Quezon inuga ng 3.1 magnitude na lindol

INUGA ng  3.1 magnitude na lindol ang Quezon kaninang tanghali, Hunyo 23, 2014.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang 3.1 magnitude na lindol sa kanluran ng Patnanungan, Quezon alas-2:28 ng tanghali.

Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 031 kilometro.

Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol.