KALIKASAN KO ,YAMAN KO, IINGATAN KO A SYMPOSIUM ON ENVIRONMENT IDINAOS SA SIMBAHAN SILP POBLASYON

              Idinaos ganap na Ika 2:30 ng hapon Oktubre 4, 2014 araw ng Sabado ang isang symposium na may kinalaman sa kapaligiran na dinaluhan ng mga panauhing tagapagsalita na sina Engr. Dennis A. Aguilar Designated MENRO na tumalakay sa programa ng Pamahalaan partikular sa Patnanungan, Quezon, SPO4 lendo Jose Anonuevo na nagbigay linaw sa mga usapin ng Pagpapatupad at ginagawang aksyon ng Kapulisan sa Pangangalaga sa Kalikasan partikular pa rin sa Patnanungan, Quezon, Mr. Rhoniel Pamatian, RN NDP  na tumukoy sa Kalinisan at pangangalaga sa Kalikasan  may malaking kaugnayan sa Kalusugan at Kgg. SB.Baby Jane C. Bantucan na nagpaliwanag sa mga batas na umiiral nasyonal at lokal na ordinansa na umiiral sa Bayan ng Patnanungan.

               Ang gawaing pangkalikasan ay inilunsad idinaos sa San Isidro Labrador Parish Church katuwang ang St. Isidore Diocesan School, Inc na pinangungunahan ni Rev. Fr. Florante M. Moren, AM na siya ring gumanap na moderator ng talakayan sa paggabay ng mga simbahang sangkot at mga guro ng SIDS, Inc.Dumalo ang mga magaaral na matamang nakinig at nagtanong pagkatapos ng presentasyon ng mga magsasalita ( subject for improvement po) tnx