BQM-74E TARGET DRONE NG US NAVY NARECOVER NG PNP PATNANUNGAN, QUEZON

     Sa halip na hanapbuhay ang natagpuan ng isang mangingisda ng Sitio Katakian, Brgy. Busdak, Patnanungan, Quezon ay isang BQM-74E Target Drone na may serial number BQ55079 ng US Navy ang kanyang natagpuan sa baybaying karagatan ng nasabing lugar. Nakarating ang naturang report sa Butihing Tanggapan ni Mayor Danteo M. Eusebio ang naturang target drone sa pamamagitan ng tawag ng isang residente na mayron ROCKET LAUNCHER umano na kanilang natagpuan.
     Dahil sa report, inatasan ng Punong Bayan Danteo M. Eusebio ang himpilan ng Pulisya ng Bayan ng Patnanungan, Quezon na dalhin ito sa himpilan ng Pulisya sa pagaakala ng mga residente na delikado ito at pwede sumabog ngunit nilinaw ng PNP na hindi ito delikado sa mga residente ng naturang lugar kundi ito ay ginagamit sa sanayan lamang. Nilinaw din na hindi ito ginagamit sa SPY Mission ng US Navy.
     Ang naturang Target Drone Model BQM-74E ay nakitang palutang-lutang sa dagat noong ika 4 ng Enero, Taong 2014 at narecover ng PNP noong ika 6 ng Enero, 2014.
     Sa ulat ng Pulisya at Tanggapan ng Butihing Punong Bayan Danteo M. Eusebio ay maraming nakikipag-ugnayan sa kanila upang kunin ito at kanilang pag-aralan kung ano talaga ang tunay na pakay nito sa lugar ng Bayan ng Patnanungan, " TARGET DRONE NGA  LANG BA? O PARA SA SPY MISSION?"
     Samantala, habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan na ang imbestigasyon ng DND ng pilipinas hinggil sa bagay na ito...

                                                                                                                     -renrenlucero-
                                                                                                                           PIO